22 Ang pinakapinuno ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani (si Bani ay anak ni Hashabia; si Hashabia ay anak ni Matania; at si Matania ay anak ni Mica). Si Uzi ay isa sa mga angkan ni Asaf, na mang-aawit sa templo ng Dios.
23 Ang hari ang nag-uutos sa kanila tungkol sa mga gagawin nila sa bawat araw.
24 Si Petahia na anak ni Meshezabel, na isa sa mga angkan ni Zera na anak ni Juda, ang kinatawan ng bayan ng Israel sa hari ng Persia.
25 Ang ibang mga mamamayan ng Juda ay nakatira sa mga bayan na malapit sa mga lupain nila. Ang iba sa kanila ay nakatira sa Kiriat Arba, Dibon, Jekabzeel, at sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito.
26 Ang iba sa kanila ay nakatira sa Jeshua, Molada, Bet Pelet,
27 Hazar Shual, Beersheba, at sa mga baryo sa palibot nito.
28 Mayroon ding nakatira sa kanila sa Ziklag, sa Mecona, at sa mga baryo sa paligid nito,