17 Si Zicri ang pinuno ng pamilya ni Abijah.Si Piltai ang pinuno ng pamilya nina Miniamin at Moadia.
18 Si Shamua ang pinuno ng pamilya ni Bilga.Si Jehonatan ang pinuno ng pamilya ni Shemaya.
19 Si Matenai ang pinuno ng pamilya ni Joyarib.Si Uzi ang pinuno ng pamilya ni Jedaya.
20 Si Kalai ang pinuno ng pamilya ni Salu.Si Eber ang pinuno ng pamilya ni Amok.
21 Si Hashabia ang pinuno ng pamilya ni Hilkia.At si Netanel ang pinuno ng pamilya ni Jedaya.
22 Noong panahon ng paghahari ni Darius sa Persia, inilista ang mga pangalan ng mga pinuno sa mga pamilya ng mga pari at mga Levita. Nang panahon ng mga punong pari na sina Eliashib, Joyada, Johanan, at Jadua.
23 Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita hanggang sa panahon ni Johanan na apo ni Eliashib ay nakalista sa Aklat ng Kasaysayan.