20 Si Kalai ang pinuno ng pamilya ni Salu.Si Eber ang pinuno ng pamilya ni Amok.
21 Si Hashabia ang pinuno ng pamilya ni Hilkia.At si Netanel ang pinuno ng pamilya ni Jedaya.
22 Noong panahon ng paghahari ni Darius sa Persia, inilista ang mga pangalan ng mga pinuno sa mga pamilya ng mga pari at mga Levita. Nang panahon ng mga punong pari na sina Eliashib, Joyada, Johanan, at Jadua.
23 Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita hanggang sa panahon ni Johanan na apo ni Eliashib ay nakalista sa Aklat ng Kasaysayan.
24 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita: si Hashabia, Sherebia, Jeshua, Binui, Kadmiel, at ang iba pa nilang mga kasama na nakatayo sa kabilang bahagi nila sa oras ng pag-awit sa templo ng mga papuri at pasasalamat sa Dios. Sila ang sumasagot sa awit ng kabilang grupo, ayon sa utos ni David na lingkod ng Dios.
25 Ang mga guwardya ng pintuan ng templo na nagbabantay ng mga bodega na malapit sa pintuan ay sina Matania, Bakbukia, Obadias, Meshulam, Talmon at Akub.
26 Sila ang naglilingkod sa panahon ni Joyakim na anak ni Jeshua at apo ni Jozadak, at sa panahon ni Nehemias na gobernador at ni Ezra na pari at tagapagturo ng Kautusan.