2 At agad akong napuspos ng kapangyarihan ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ang isang nakaupo roon.
3 Ang anyo niya'y maningning na parang mahahalagang batong jasper at kornalina. May isang bahagharing nagniningning na parang esmeralda sa palibot ng trono.
4 Nakapaligid naman dito ang dalawampu't apat pang trono na sa bawat isa'y may nakaupong isang pinuno na nakadamit ng puti at may koronang ginto sa ulo.
5 Mula sa trono ay gumuguhit ang kidlat, kasabay ng mga ugong at mga kulog. Sa harap ng trono ay may pitong nagniningas na sulo; ito ang pitong espiritu ng Diyos.
6 Sa harap ng trono ay may tila dagat na salamin na sinlinaw ng kristal.Sa apat na panig ng trono ay may apat na buháy na nilalang, na punung-puno ng mga mata sa kanilang harap at likod.
7 Ang unang buháy na nilalang ay katulad ng leon; katulad naman ng baka ang pangalawa; kamukha ng tao ang pangatlo; at katulad naman ng agilang lumilipad ang pang-apat.
8 Ang bawat isa ay may tig-aanim na pakpak, at punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Walang tigil ang kanilang pag-awit araw at gabi,“Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,ang Diyos ng nakaraan, ng kasalukuyan, at siyang darating.”