4 Buong kapaitan akong umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at tumingin sa nilalaman niyon.
5 Ngunit sinabi sa akin ng isa sa mga pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon mula sa lipi ni Juda, ang anak ni David, ang siyang nagtagumpay at may karapatang mag-alis sa pitong selyo at magbukas sa kasulatang nakarolyo.”
6 Pagkatapos, nakita ko sa pagitan ng mga pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo na parang pinatay na. Ito'y may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa buong sanlibutan.
7 Lumapit ang Kordero at kinuha ang kasulatan sa kanang kamay ng nakaupo sa trono.
8 Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat na pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na puno ng insenso na siyang mga panalangin ng mga banal.
9 Inaawit nila ang isang bagong awit:“Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatanat sumira sa mga selyo niyon.Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos,mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa.
10 Ginawa mo silang isang lahing maharlika at mga pari na itinalaga upang maglingkod sa ating Diyos;at sila'y maghahari sa lupa.”