9 Inaawit nila ang isang bagong awit:“Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatanat sumira sa mga selyo niyon.Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos,mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa.
10 Ginawa mo silang isang lahing maharlika at mga pari na itinalaga upang maglingkod sa ating Diyos;at sila'y maghahari sa lupa.”
11 Tumingin akong muli at narinig ko ang tinig ng milyun-milyon at libu-libong anghel. Sila'y nakapaligid sa trono, sa apat na buháy na nilalang at sa mga pinuno.
12 Umaawit sila nang malakas,“Ang Korderong pinatay ay karapat-dapattumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan,parangal, papuri at paggalang!”
13 At narinig kong umaawit ang mga nilikhang nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa at nasa dagat, lahat ng mga naroroon,“Ibigay sa nakaupo sa trono, at sa Kordero,ang papuri at karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan,magpakailanman!”
14 At sumagot ang apat na nilalang na buháy, “Amen!” At nagpatirapa ang mga pinuno at nagsisamba.