1 Nang alisin ng Kordero ang ikapitong selyo, naghari sa langit ang katahimikan sa loob ng halos kalahating oras.
2 Pagkatapos nito'y nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos at binigyan ng trumpeta ang bawat isa sa kanila.
3 Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo naman sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kalakip ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos.
4 Mula sa kamay ng anghel ay unti-unting tumaas sa harapan ng Diyos ang usok ng insenso kalakip ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos.