1 Noong taóng 160, ang Tolemaida ay sinakop ni Alejandro Epifanes na anak ni Haring Antioco IV. Naghari siya roon, at nagustuhan naman ng bayan ang kanyang pamamahala.
2 Nabalitaan ito ni Haring Demetrio, kaya't bumuo siya ng malaking hukbo at hinamon si Alejandro sa isang labanan.
3 Sumulat si Demetrio kay Jonatan upang ito'y kaibiganin at parangalan.
4 Nasabi niya sa sarili, “Kailangang makipagkaibigan ako kay Jonatan bago maisipan nitong makipag-ugnay kay Alejandro laban sa akin.
5 Kung hindi ako kikilos agad ay baka maalala pa niya ang masamang ginawa ko sa kanya, sa kanyang mga kapatid at sa bansang Israel.”