10 Mula noon, sa Jerusalem na naninirahan si Jonatan at muli niyang inayos ang lunsod.
11 Nagpakuha siya ng mga batong parisukat at ginawang pader sa palibot ng Bundok ng Zion.
12 Lahat ng mga dayuhang naninirahan sa kutang ipinagawa ni Baquides ay nagsitakas,
13 at nagsiuwi sa kani-kanilang bansa.
14 Tanging sa Beth-sur lamang may nakatira pang kalaban ng Kautusan, sapagkat doon sila lumikas.
15 Ang mga pangako ni Demetrio kay Jonatan ay umabot sa kaalaman ni Alejandro. Nabalitaan din nito ang kagitingan ni Jonatan at ng kanyang mga kapatid, lalo na sa pakikidigma at ang maraming pagsubok na tiniis na nito.
16 Nasabi ni Alejandro, “Wala na akong makikitang tulad niya. Kailangang maging kaibigan ko siya at kakampi.”