18 “Mula kay Haring Alejandro ay ipinaaabot kay kapatid na Jonatan ang maalab na pagbati!
19 Napakaganda ng balita namin tungkol sa iyong kagitingan, kaya't karapat-dapat kang maging kaibigan ng hari.
20 Kaya mula ngayo'y ikaw na ang Pinakapunong Pari ng iyong bansa. Ang itatawag sa iyo'y ‘Kaibigan ng Hari.’ Kapanalig ka namin sa aming adhikain at tutulungan ka namin.”Bukod sa sulat, pinadalhan din niya si Jonatan ng isang maharlikang damit at koronang ginto.
21 Isinuot ni Jonatan ang kasuotan ng Pinakapunong Pari noong ikapitong buwan ng taóng 160 sa pagdiriwang ng Pista ng mga Tolda. Nagtipon siya ng isang malaking hukbo at ng maraming sandata.
22 Nang ito'y mabalitaan ni Demetrio, nabagabag siya at nag-isip,
23 “Paano nangyaring tayo'y naunahan ni Alejandro? Napalakas niya ang kanyang katayuan sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga Judio.
24 Ang mabuti'y sulatan ko rin ang mga Judio at makipagkaibigan sa kanila; aalukin ko sila ng matataas na tungkulin at mga handog para tulungan nila ako.”