2 Nabalitaan ito ni Haring Demetrio, kaya't bumuo siya ng malaking hukbo at hinamon si Alejandro sa isang labanan.
3 Sumulat si Demetrio kay Jonatan upang ito'y kaibiganin at parangalan.
4 Nasabi niya sa sarili, “Kailangang makipagkaibigan ako kay Jonatan bago maisipan nitong makipag-ugnay kay Alejandro laban sa akin.
5 Kung hindi ako kikilos agad ay baka maalala pa niya ang masamang ginawa ko sa kanya, sa kanyang mga kapatid at sa bansang Israel.”
6 Kaya't binigyan niya ng karapatan si Jonatan na bumuo ng hukbo at binigyan ito ng mga sandata. Iniutos din niya na ang lahat ng mga bihag na Judio sa kuta ay ibigay kay Jonatan.
7 Pagkatanggap ng sulat, pumunta agad sa Jerusalem si Jonatan at ibinalita ito sa mga tao.
8 Ang mga tao sa kuta ay natakot nang malamang si Jonatan ay binigyan ng hari ng karapatang makabuo ng malaking hukbo.