34 Hindi hihingan ng buwis ang sinumang Judio saanman sa aking kaharian kung Araw ng Pamamahinga, Pista ng Bagong Buwan, at iba pang sagradong araw. Gayon din, hindi na lilikom ng buwis tatlong araw bago sumapit o makalipas ang mga pangunahing sagradong araw.
35 Walang sinumang maaaring humingi sa inyo ng kabayaran o manligalig sa inyo sa alinman sa mga naturang araw.
36 “Maaaring ipatala sa hukbo ng hari ang mga Judio hanggang sa bilang na 30,000 katao, at babayaran sila gaya ng ibang hukbo ng hari.
37 Ang ilan sa kanila'y maaaring itakdang magbantay sa malalaking kuta ng palasyo, at ang iba nama'y bibigyan ng mahahalagang katungkulan sa pamahalaan. Mga Judio rin ang kanilang magiging pinuno at tagapanguna, at papayagan silang sundin ang kanilang sariling kautusan at kaugalian, tulad ng ipinahintulot ng hari sa mga taga-Judea.
38 “Ang tatlong purok na idinagdag sa Judea buhat sa lupaing sakop ng Samaria ay isasama na nang lubusan sa Judea at ipapailalim lamang sa kapangyarihan ng Pinakapunong Pari.
39 Ibinibigay ko para panustos sa Templo sa Jerusalem ang mga buwis na makukuha sa lunsod ng Tolemaida at sa mga lupaing sakop nito.
40 Nangangako rin ako na magbibigay ng taunang handog na 15,000 salaping pilak na manggagaling sa kabang-yaman ng palasyo.