48 Si Haring Alejandro ay nagtatag ng isang malaking hukbo at humandang makipagdigma sa hukbo ni Demetrio.
49 Subalit nang magkaharap na ang mga hukbo ng dalawang hari, umatras at tumakas ang hukbo ni Alejandro. Tinugis sila ni Demetrio at nagwagi ito sa digmaang iyon.
50 Nakipaglaban si Alejandro hanggang sa paglubog ng araw, at nasawi si Demetrio nang araw na iyon.
51 Pagkatapos, nagsugo si Alejandro kay Haring Tolomeo VI ng Egipto at ganito ang kanyang ipinasasabi:
52 “Nakabalik na ako sa aking kaharian at nakaluklok na sa trono ng aking mga ninuno. Ako na ang namamahala sa buong bansa.
53 Nakipaglaban ako kay Demetrio, tinalo ko siya at ang kanyang hukbo, at nasakop ko ang kanyang kaharian.
54 Ngayon, ako'y handa nang makipagkaisa. Ipakasal mo sa akin ang iyong anak na dalaga at kayong dalawa'y bibigyan ko naman ng mga handog na karapat-dapat sa inyo.”