7 Pagkatanggap ng sulat, pumunta agad sa Jerusalem si Jonatan at ibinalita ito sa mga tao.
8 Ang mga tao sa kuta ay natakot nang malamang si Jonatan ay binigyan ng hari ng karapatang makabuo ng malaking hukbo.
9 Ibinigay nga kay Jonatan ang lahat ng mga bihag at pinauwi niya ang mga ito sa kanilang mga magulang.
10 Mula noon, sa Jerusalem na naninirahan si Jonatan at muli niyang inayos ang lunsod.
11 Nagpakuha siya ng mga batong parisukat at ginawang pader sa palibot ng Bundok ng Zion.
12 Lahat ng mga dayuhang naninirahan sa kutang ipinagawa ni Baquides ay nagsitakas,
13 at nagsiuwi sa kani-kanilang bansa.