85 Nang araw na iyon humigit-kumulang sa walong libong katao ang namatay sa labanan at sa pagkatupok.
86 Pagkatapos, umalis si Jonatan at humimpil sa Ascalon. Dito'y lumabas ang kalalakihan ng lunsod na iyon at sinalubong siya para parangalan.
87 Nagbalik sa Jerusalem si Jonatan at ang kanyang mga tauhan na maraming uwing nasamsam.
88 Nabalitaan ni Haring Alejandro ang ginawa ni Jonatan at lalo pa niya itong pinarangalan.
89 Pinadalhan niya ito ng isang gintong hibilyang pang-balikat na karaniwa'y ibinibigay lamang sa kamag-anak ng hari. Ibinigay rin sa kanya ang Lunsod ng Ekron at ang mga lupain sa paligid nito.