36 Alinman sa binabanggit sa liham na ito ay hindi na maaaring baguhin pa kahit kailan.
37 ‘Kailangang tiyakin mo na ang buong sipi ng batas na ito ay maipadala kay Jonatan para isabit sa isang hayag na lugar sa Templo sa kaburulan.’”
38 Nang makita ni Haring Demetrio na payapa na ang lupaing kanyang pinamamahalaan, binuwag niya ang hukbo at pinauwi ang lahat ng kawal, maliban sa mga swelduhang kinuha sa mga pulo ng Griego. Bunga nito, nagalit sa kanya ang lahat ng kawal na naglingkod sa mga haring nauna sa kanya sapagkat nawalan sila ng hanapbuhay.
39 Nakita ni Trifo, isa sa dating tagapagtaguyod ni Alejandro, na inirereklamo ng lahat ng kawal si Demetrio. Kaya't pinuntahan niya si Imalkue, ang Arabong nagpalaki kay Antioco na anak ni Alejandro.
40 Matagal na namalagi roon si Trifo at inuudyukan si Imalkue na ibigay sa kanya ang bata upang gawing hari, kapalit ng ama nito. Sinabi rin niya kay Imalkue ang tungkol sa mga batas ni Demetrio at kung paano ito kinamumuhian ng mga kawal.
41 Nagpasabi si Jonatan kay Haring Demetrio na alisin na rin ang mga kawal nito sa kuta ng Jerusalem at sa mga kuta ng Judea, sapagkat ginugulo lamang nila ang mga Judio.
42 Tumugon si Demetrio, “Gagawin ko ang hinihiling mo, at sa tamang pagkakataon, ibibigay ko sa iyo at sa iyong bansa ang pinakamataas na karangalan.