12 Ikinagagalak din naming kayo'y napatanyag.
13 Ngunit sunod-sunod ang aming pakikipagdigma sapagkat palagi kaming sinasalakay ng mga bansa sa paligid.
14 At sa panahon ng digmaan, hindi namin ninais na gambalain kayo o sinuman sa aming mga kapanalig at kaibigan,
15 sapagkat kami'y tinutulungan ng Panginoon na siyang lumupig sa aming mga kaaway at nagligtas sa amin.
16 Ngayo'y isinugo namin si Numenio na anak ni Antioco at si Antipater na anak ni Jason, upang sariwain ang tali ng pakikipagkaibigan at pakikipagkaisa sa mga taga-Roma.
17 Inutusan din namin silang dalhin sa inyo ang aming pagbati at ang liham na ito tungkol sa pagsasariwa ng ating pagkakapatiran.
18 Ngayon nga, hinihiling namin ang inyong tugon sa liham na ito.”