33 Samantala, si Simon ay naglunsad din ng isang sunod-sunod na pananalakay, at umabot siya hanggang Askelon at sa mga kuta sa paligid. Pagkatapos, siya'y nagpunta sa Joppa
34 at nag-iwan ng mga kawal doon sapagkat nabalitaan niya na binabalak ng mga tagaroon na ibigay sa mga kawal ni Demetrio ang kuta ng Joppa.
35 Pagbalik ni Jonatan, pinulong niya ang mga pinuno. Nagkasundo sila na magtayo ng mga kuta sa Judea,
36 pataasan ang mga pader ng Jerusalem, at magpagawa ng mataas na pader para ihiwalay sa lunsod ang kuta. Kapag nakahiwalay ang kuta, mahirap nang bumili o magtinda ang kaaway ng anumang bagay.
37 Magkakasamang gumawa ang lahat para mapatibay ang tanggulan ng lunsod sapagkat gumuho ang bahagi ng pader sa silangan sa may Libis ng Kidron; pati ang bahagi ng Kafenata ay kailangan ding ayusin.
38 Muli ring itinayo ni Simon ang bayan ng Adida sa paanan ng bundok. Nilagyan niya ito ng kuta at ng mga pintuang may tarangka.
39 Binalak ni Trifo na maghimagsik laban kay Haring Antioco upang siya ang maging hari ng Asia.