1 Nalaman ni Simon na nagtipon si Trifo ng malaking hukbo at nagbabalak na wasakin ang Judea.
2 Naisip din niya na ang balitang ito ang naghasik ng takot at sindak sa mga tao, kaya nagpunta siya sa Jerusalem at tinipon ang mga tao.
3 Sinikap niyang palakasin ang kanilang loob. Sinabi niya, “Hindi kaila sa inyo ang ginawa ng aming pamilya, mga kapatid, at pati na ako, alang-alang sa Kautusan ni Moises at ng Templo. Alam din ninyo ang mga digmaang sinuong namin.
4 Napatay na lahat ang mga kapatid ko sa pagtatanggol sa ating Kautusan, sa ating Templo, at sa ating bansa. Ako na lamang ang natitira ngayon.
5 Subalit huwag sabihin ninuman na iniligtas ko ang aking sarili sa panahon ng panganib. Hindi ko ipinapalagay na mas mabuti ako kaysa mga kapatid ko.
6 Totoo na nagkaisa ang lahat ng bansang Hentil para puksain tayo dahil sa kanilang galit, ngunit lalaban ako upang ipagtanggol ang aking bansa, ang Templo, at ang inyong mga mahal sa buhay.”
7 Nabuhayan ng loob ang mga tao dahil sa mga pananalitang ito,