15 “Ipinadakip ko ang kapatid mong si Jonatan sapagkat hindi siya nagbayad ng kanyang utang sa kabang-yaman ng palasyo noong siya'y nanunungkulan.
16 Ngunit palalayain ko siya kung babayaran mo ako ng 3,500 kilong pilak at ipadadala ang dalawa niyang anak bilang kapalit na bihag para garantiya na hindi siya maghihimagsik laban sa amin kung siya ay palayain na.”
17 Alam ni Simon na panlilinlang lamang iyon. Gayunman, nagpadala siya ng naturang halaga at pinasama rin ang dalawang anak sapagkat hindi niya nais na magsiklab ang galit ng mga Judio.
18 Nangangamba siya na baka masabi nilang pinatay si Jonatan dahil hindi ipinadala ni Simon ang salapi at ang dalawang bata.
19 Kaya nga, ibinigay niya ang hinihingi ni Trifo, ngunit hindi ito tumupad sa pangako; hindi niya pinalaya si Jonatan.
20 Kumilos na si Trifo para lusubin ang lupain at wasakin. Pinaligiran niya ito sa daan patungong Adora. Ngunit kahit saan sila magpunta ay sinasalubong sila ng pangkat ni Simon.
21 Ang mga kawal ng kaaway na nakatalaga sa kuta ng Jerusalem ay patuloy na nagpapasabi kay Trifo na puntahan sila agad at dalhan ng kanilang mga pangangailangan. Ipinasabi pa na sa ilang sila dumaan pagpunta roon.