1 Noong taóng 172, tinipon ni Haring Demetrio II ang kanyang hukbo at nagpunta sa Media upang humingi ng tulong sa pakikipaglaban kay Trifo.
2 Nang mabalitaan ni Arsaces VI na hari ng Persia at ng Media na nasa kaharian niya si Demetrio, isinugo niya ang isa niyang pinuno upang dakpin ito.
3 Sinalakay nila at ginapi ang hukbo ni Demetrio. Binihag ito at dinala kay Haring Arsaces, at siya'y ipinabilanggo nito.
4 Mapayapa ang lupain ng Judea habang nabubuhay si Simon. Sa buong panahon ng kanyang paghahari, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at lakas para sa ikabubuti ng bayan. Sila nama'y nasiyahan sa kanya bilang kanilang tagapanguna.
5 Nadagdagan ang kanyang katanyagan nang sakupin niya ang daungan ng Joppa at buksan ang daan papunta sa mga pulo ng Grecia.