12 Lahat ay mapayapang namumuhay sa kanilang ubasan at taniman ng igos at walang gumagambala sa kanila.
13 Lahat ng kaaway na hari ay natalo na nang mga panahong iyon at walang natirang isa man para kumalaban sa Israel.
14 Tinulungan ni Simon ang lahat ng mahihirap niyang kababayan. Sa patnubay ng Kautusan ni Moises, inalis niya ang lahat ng masasamang taong sakit ng ulo sa lipunan.
15 Pinalagyan niya ng magagarang kasangkapan ang Templo at dinagdagan ang mga kagamitan sa pagsamba.
16 Nang makarating sa Roma at sa Esparta ang balitang namatay si Jonatan, gayon na lamang ang kanilang pagkalungkot.
17 Ngunit nang mabalitaan ng mga taga-Esparta na si Simon ang pumalit sa kapatid bilang Pinakapunong Pari at siyang namamahala sa bansa at mga karatig-bayan,
18 nagpagawa sila ng mga kasulatang tanso at ipinaukit dito ang kasunduan ng pakikipagkaibigan na ginawa nila noon kina Judas at Jonatan, saka ipinadala kay Simon.