45 Ang sinumang lumabag o magwalang-bahala sa mga tuntuning ito ay paparusahan.
46 “Nagkaisang pinagtibay ng bayan na bigyan si Simon ng karapatang kumilos ayon sa mga tuntuning ito.
47 Pumayag at sumang-ayon si Simon na maging pinakamataas na pinuno, Pinakapunong Pari, tagapanguna ng lahat ng hukbo, at gobernador ng mga Judio at ng mga pari.”
48 Napagkaisahan ding iukit sa kasulatang tanso ang pahayag na ito at ilagay sa isang hayag na lugar sa loob ng templo
49 at maglagak ng mga sipi nito sa kabang-yaman ng Templo para madaling mabasa ni Simon at ng kanyang mga anak.