35 Para sa Joppa at Gezer na inyong inaangkin, bibigyan namin kayo ng 3,500 kilong pilak, bagaman ang mga tao sa mga lunsod na iyon ang gumawa ng napakalaking kapinsalaan sa aming bansa.”Hindi umimik si Atenobio,
36 ngunit nagbalik siya sa hari na nagngingitngit. Nang sabihin niya sa hari ang tugon ni Simon at ibinalita rin dito ang magarang palasyo ni Simon at lahat ng kanyang nakita, lubos na nagalit ang hari.
37 Samantala, si Trifo ay sumakay naman sa isang sasakyang-pandagat at tumakas patungong Ortosia.
38 Itinalaga ni Haring Antioco si Cendebeo bilang tagapamahala ng mga lupain sa baybay-dagat, at binigyan ng mga sundalo at hukbong nakakabayo,
39 saka inutusang lumusob sa Judea. Iniutos din niya rito na muling itayo ang Lunsod ng Kidron at patibayin ang mga pintuan nito, para sa pakikipaglaban sa mga Judio. Ang hari nama'y nagpatuloy ng pagtugis kay Trifo.
40 Dumating sa Jamnia si Cendebeo at ginulo ang mga Judio sa pamamagitan ng paglusob sa Judea, pagbihag sa mga tao, at pagpatay sa marami.
41 Muli niyang itinayo ang Kidron at naglagay roon ng mga bantay na kawal at mangangabayo, para ipagpatuloy ang pagsalakay sa Judea, gaya ng utos ng hari.