1 Pagkamatay ni Matatias, ang pumalit sa kanya bilang pinuno ay ang anak niyang si Judas na tinatawag ding Macabeo.
2 Lahat ng kanyang kasama ay nagkaisa sa pagkapili sa kanya. Dahil dito, masigla silang nakikipaglaban alang-alang sa Israel.
3 Ipinakilala niyang may dangal ang kanyang bayan.Tulad niya'y higante sa kanyang kasuotang bakal.Suot niya ay pandigma sa kanyang pakikilaban,sa tabak na kanyang hawak, hukbo niya'y pinangunahan.
4 Mabangis na leon ang kanyang nakakawangis, siya'y parang batang leon sa kanyang paninibasib.