16 Nang sila'y umaahon na sa Beth-horon, lumabas si Judas kasama ang ilang tauhan.
17 Nang makita ng mga tauhan ni Judas na napakalaki ng hukbong kanilang haharapin, sinabi nila, “Anong magagawa natin sa dami ng ating kalaban? Iilan na tayo'y mahina pa ang ating katawan sapagkat hindi pa tayo kumakain sa araw na ito.”
18 “Huwag kayong mag-alala,” tugon ni Judas. “Madaling talunin ng iilan ang marami. Ang pagliligtas ng Diyos ay hindi nababatay sa dami.
19 Ang tagumpay sa labanan ay hindi nasasalig sa laki ng hukbo, kundi sa lakas na nanggagaling sa langit.
20 Iba ang layunin nila ng paglaban. Ang taglay nila'y dahas at pagmamataas sa hangad na lipulin ang ating mga asawa't anak.
21 Ang ipagtatanggol naman nati'y ang ating buhay at ang ating kautusan.
22 Huwag kayong matakot. Tutulungan tayo ng Diyos sa paglupig sa kanila.”