3 Ipinakilala niyang may dangal ang kanyang bayan.Tulad niya'y higante sa kanyang kasuotang bakal.Suot niya ay pandigma sa kanyang pakikilaban,sa tabak na kanyang hawak, hukbo niya'y pinangunahan.
4 Mabangis na leon ang kanyang nakakawangis, siya'y parang batang leon sa kanyang paninibasib.
5 Masasamang tao'y kanyang hinahanap at tinutugis;parusa niya ay sunugin ang sa baya'y nang-aapi.
6 Masasamang tao sa kanya'y pawang may takot,ang mga masasama, sa kanya'y di makakilos.Ang kaligtasang hatid niya sa lahat ay nakaabot, at lumaganap itong tunay sa lahat ng mga pook.
7 Mga hari'y nagngingitngit dahil sa kanyang paglaban,ngunit sambahayan ni Jacob sa tagumpay niya ay nasiyahan.Alaala niyang dakila'y pinupuri kailanman; lagi siyang ikinararangal at hindi malilimutan.
8 Sa mga lunsod ng Judakalaba'y kanyang pinuksa,Israel ay hinango niya at sa dusa'y pinalaya.
9 Sa lahat ng lugar ang pangalan niya'y dakila,ang mga pinagbabantaang patayin ay kanyang kinakalinga.