34 Matapos pagbilinan, iniwan ng hari ang mga elepante at ang kalahati ng hukbo upang magamit ni Lisias sa kanyang pangangailangan. Tungkol naman sa mga taga-Judea at Jerusalem,
35 ang utos ng hari ay salakayin ito upang wasakin nang lubusan,
36 pagkatapos ay patirahan at ipamahagi sa mga dayuhan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng palabunutan.
37 Noong taóng 147, umalis ang hari sa Antioquia, ang punong-lunsod, dala ang kalahati ng hukbo. Tumawid sila sa Ilog Eufrates at nagpunta sa mga lalawigan sa hilaga.
38 Samantala, si Lisias ay pumili ng kanyang makakatulong. Kinuha niya si Tolomeo na anak ni Dorimenes at ang dalawa sa mga kaibigan ng hari, sina Nicanor at Gorgias.
39 Sila ang pinamahala sa 40,000 sundalo at 7,000 na hukbong nakakabayo upang lusubin at wasakin ang Juda bilang pagsunod sa utos ng hari.
40 Nang handa na ang lahat, lumakad ang hukbo at pagdating sa kapatagan ay humimpil muna sa malapit sa Emaus.