6 Masasamang tao sa kanya'y pawang may takot,ang mga masasama, sa kanya'y di makakilos.Ang kaligtasang hatid niya sa lahat ay nakaabot, at lumaganap itong tunay sa lahat ng mga pook.
7 Mga hari'y nagngingitngit dahil sa kanyang paglaban,ngunit sambahayan ni Jacob sa tagumpay niya ay nasiyahan.Alaala niyang dakila'y pinupuri kailanman; lagi siyang ikinararangal at hindi malilimutan.
8 Sa mga lunsod ng Judakalaba'y kanyang pinuksa,Israel ay hinango niya at sa dusa'y pinalaya.
9 Sa lahat ng lugar ang pangalan niya'y dakila,ang mga pinagbabantaang patayin ay kanyang kinakalinga.
10 Sa ganitong kalagayan, bumuo si Apolonio ng isang malakas na hukbo. Tinipon niya ang mga Hentil, at mula sa Samaria, lumabas sila upang salakayin ang Israel.
11 Nang malaman ito ni Judas, nilusob niya at pinatay si Apolonio; nagapi niya ang hukbo nito. Marami ang napatay sa kanyang mga kaaway at ang mga walang sugat ay tumakas.
12 Marami silang nasamsam sa kaaway. Pati na ang espada ni Apolonio ay nakuha rin, at mula noon, ito na ang ginamit ni Judas Macabeo sa pakikipagdigma hanggang sa araw ng kanyang kamatayan.