1 Sa kabilang panig, si Gorgias ay naghanda naman ng 5,000 sundalo at 1,000 hukbong nakakabayo. Kinagabihan,
2 lumakad sila upang salakayin ang kampo ng mga Judio. Sa pangkat niya'y may isinama pa siyang mga tagapagturo ng landas mula sa pader.
3 Ngunit hindi ito nalingid kay Judas kaya't sila nama'y umalis sa kampo upang salakayin ang hukbo ng hari na nasa Emaus,
4 samantalang wala si Gorgias at ang kanyang hukbo.