13 humanda na rin sila sa paglaban. Hinipan nina Judas ang kanilang mga tambuli,
14 at sila'y sumalakay. Ang mga Hentil ay nasindak at tumakas sa kapatagan.
15 Ang mga naiwan ay pawang napatay, at ang mga tumakas ay hinabol nila hanggang sa Gazara, Idumea, Azotus, at Jamnia. Tatlong libo sa mga kaaway ang kanilang napatay.
16 Pagkatapos ng labanan, bumalik ang hukbo ni Judas,
17 at sinabi niya sa kanyang mga kawal, “Kung tayo man ay nagtagumpay, huwag ninyong isipin ang pananamsam sapagkat tayo'y nasa gitna pa ng labanan.
18 Hindi malayo sa atin ang mga kawal ni Gorgias; sila'y nasa kaburulan. Humanda tayo sa kanilang ganting salakay. Saka na natin kunin ang mga samsam.”
19 Hindi pa man natatapos ang pagsasalita ni Judas, isang pangkat ng kaaway ang bumabâ mula sa kaburulan.