58 Galak na galak ang lahat nang maalis ang mga tanda ng kalapastanganang ginawa ng mga Hentil.
59 Ipinasya ni Judas, ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng mamamayan ng Israel na sa gayon ding araw, taun-taon ay ipagdiriwang nila ang muling pagtatalaga ng Templo. Walong araw nilang gagawin ito, mula sa ikadalawampu't limang araw ng ikasiyam na buwan.
60 Pagkatapos, pinatibay nila ang muog ng Bundok ng Zion. Tinayuan nila ito ng matataas na pader at matitibay na tore sa palibot, upang hindi na maulit ang ginawa sa kanila ng mga Hentil.
61 Nagtalaga si Judas ng isang pangkat na magtatanggol sa muog. Nagtayo rin siya ng matibay na muog sa Beth-sur upang magkaroon ng matibay na kuta ang mga tao sa katapat ng Edom.