5 Kinulong niya sila sa kanilang mga kuta at sumumpa na lubusan niyang lilipulin sila. Sinunog niya ang kanilang mga kuta at natupok silang lahat.
6 Matapos gawin ito, tumawid si Judas sa ibayo upang lusubin ang mga Ammonita. Doo'y nakaharap niya ang isang malakas na hukbo na pinamumunuan ni Timoteo.
7 Maraming paglalaban nila ang pinanalunan ni Judas, hanggang sa lubusan niyang nalupig ang mga ito.
8 Bago siya nagbalik sa Judea, sinalakay niya at nilupig ang Jazer, pati ang mga karatig-bayan nito.
9 Bilang ganti, ang lahat ng mga Hentil sa Gilead ay nagtipon at nagkaisang salakayin at lipulin ang mga Israelita na nakatira sa kanilang lupain. Ngunit ang mga ito'y tumakas at nagtago sa mga kuta ng Datema.
10 Mula doo'y sumulat sila kay Judas at ibinalita ang balak ng mga Hentil na sila'y lipulin.
11 Sabi pa nila,“Sa pangunguna ni Timoteo, sila'y sasalakay sa kutang pinagtataguan namin. Kaya saklolohan agad ninyo kami,