56 nabalitaan nina Azarias at Joseng anak ni Zacarias ang kanilang kabayanihan.
57 Kaya't sinabi nila, “Gumawa tayo ng paraan para matanyag din tayo. Labanan natin ang mga Hentil sa paligid natin.”
58 Para matupad ang gayong layunin, iniutos nila sa kanilang hukbo na pasukin ang Jamnia.
59 Nalaman ito ni Gorgias, kaya't hinarap niya ang mga ito.
60 Sa labanang ito, natalo sina Jose at Azarias at hinabol sila hanggang sa pagpasok ng Judea. May dalawang libong Israelita ang nasawi sa labanang iyon.
61 Ang pagkatalong ito ay bunga ng hindi nila pakikinig kay Judas at sa mga kapatid niya. Sa hangad na umani ng pansariling karangalan,
62 ngunit hindi nila natamo ang kanilang layunin sapagkat hindi sila kabilang sa mga piling sambahayan na pinagkalooban ng karangalang magligtas sa Israel.