25 Hindi lamang kami ang pinag-initan nila, kundi lahat ng mga kalapit nilang lupain.
26 Pati ang muog ng Jerusalem ay kinubkob nila para sakupin. Maging ang Templo at ang Beth-sur ay nilagyan nila ng kuta.
27 Kapag hindi ito napigil, higit diyan ang kanilang gagawin, at hindi na ninyo sila mapipigil.”
28 Nang marinig ito ng hari, nagalit siya. Tinawag niyang lahat ang kanyang mga kaibigan, ang mga pinuno ng hukbo at lahat ng pinuno ng mangangabayo.
29 Kumuha pa siya ng mga upahang kawal mula sa mga bansang Griego.
30 Nakabuo siya ng napakalakas na hukbo na binubuo ng 100,000 hukbong-lakad, 20,000 hukbong nakakabayo, at 32 sinanay na mga elepante.
31 Lumabas sila at tumawid sa lupain ng Edom at nagkampo sa tapat ng Beth-sur. Gumawa sila ng mga sandatang panalakay. Pagkatapos, sinalakay nila ang Beth-sur. Maraming araw nila itong nilusob, ngunit ubos-lakas na nagtanggol ang mga Judio; lumabas ang mga ito at sinunog ang mga kagamitang panalakay ng hari.