35 Isang elepante ang itinalaga sa bawat isang libong kawal na pawang sandatahan at may mga kasuotang bakal. Sa bawat pangkat, 500 nakakabayo naman ang isinama.
36 Ang mga ito ay itinalaga sa elepante upang mangalaga dito at sundan ito saanman pumunta.
37 Sa likod ng bawat elepante ay nagtayo sila ng isang toreng bantayan. Ito'y yari sa kahoy at nakatali para hindi maalis. Tatlong kawal ang nakasakay dito, bukod pa sa rumirenda rito.
38 Ang mga mangangabayo ay nakaagapay sa magkabilang panig ng hukbo upang sila'y mapangalagaan ng mga kasamahan habang sinasagupa ang kaaway.
39 Kung masinagan ng araw ang mga ginto at tansong kasuotan, ang kinang ng mga ito ay parang nagniningas na mga sulo sa kabundukan.
40 Sa kahabaan ng hanay ng hukbo, ito'y umaabot mula sa kaburulan hanggang sa kapatagan, ngunit ito'y maayos na lumalakad.
41 Sa lakas ng hukbong ito, lahat ng makarinig sa ingay at kalansing ng sandata ng mga kawal habang nagmamartsa ay nanginginig sa takot.