49 Nakipagkasundo siya sa mga taga-Beth-sur na noo'y umalis sa lunsod sapagkat naubusan na ng pagkain. Noon ay taon ng pamamahinga ng mga bukirin.
50 Sinakop ng hari ang Beth-sur at naglagay siya doon ng mga kawal upang magbantay.
51 Matagal nilang pinalibutan upang sakupin ang Templo. Nagtayo sila ng mga kuta at lumusob na may iba't ibang sandatang pandigma tulad ng kasangkapang panghagis ng apoy, bato, at mga pana.
52 Gumanti ang mga Judio na may mahuhusay ding kagamitang pandigma. Matagal silang lumaban.
53 Ngunit kinapos ang mga Israelita ng pagkain. Noon ay taon ng pamamahinga ng mga bukirin at ubos na ang pagkain sa bodega sapagkat kasama rin sa pagkain ang mga Judiong dinala sa Judea pagkatapos na iniligtas sa mga Hentil.
54 Madalang na ang tao sa Templo. Nagkawatak-watak ang marami at ang iba nama'y nagsiuwi na dahil sa gutom.
55 Samantala, si Felipe na pinagkatiwalaan ng Haring Antioco na magturo sa kanyang anak at ito'y ihanda sa pagiging hari,