53 Ngunit kinapos ang mga Israelita ng pagkain. Noon ay taon ng pamamahinga ng mga bukirin at ubos na ang pagkain sa bodega sapagkat kasama rin sa pagkain ang mga Judiong dinala sa Judea pagkatapos na iniligtas sa mga Hentil.
54 Madalang na ang tao sa Templo. Nagkawatak-watak ang marami at ang iba nama'y nagsiuwi na dahil sa gutom.
55 Samantala, si Felipe na pinagkatiwalaan ng Haring Antioco na magturo sa kanyang anak at ito'y ihanda sa pagiging hari,
56 ay dumating mula sa Persia at Media, kasama ang hukbo ng namatay na hari. Balak niyang agawin ang pamahalaan.
57 Nabalitaan ito ni Lisias, kaya sinabi niya sa hari, sa mga pinuno at sa buong hukbo, “Umuwi na tayo. Nadarama kong humihina tayo araw-araw. Kakaunti na ang ating pagkain. Malakas ang ating sinasakop. Mabuti pa'y ang ating kaharian na lamang ang pangalagaan natin.
58 Makipagkasundo na tayo sa mga taong ito.
59 Pabayaan na natin silang sumunod sa kanilang mga kautusan at kaugalian, tulad noong araw. Nagagalit sila sapagkat ipinagbawal natin ang pinaniniwalaan nilang mga utos ng Diyos.”