58 Makipagkasundo na tayo sa mga taong ito.
59 Pabayaan na natin silang sumunod sa kanilang mga kautusan at kaugalian, tulad noong araw. Nagagalit sila sapagkat ipinagbawal natin ang pinaniniwalaan nilang mga utos ng Diyos.”
60 Ang mungkahing ito'y sinang-ayunan ng hari at ng mga pinuno. Nagpahatid sila ng alok na makipagkasundo sa mga Judio at pumayag naman ang mga ito.
61 Nang maisaayos ang kasunduan, lumabas ang mga Judio sa kanilang mga kuta.
62 Ngunit natuklasan ng hari nang siya ay pumasok dito na malakas ang tanggulan ng Bundok ng Zion. Sinira niya ang kanyang pangakong sinumpaan at ipinawasak ang pader na nakapaligid dito.
63 Pagkatapos, nagdudumali siyang bumalik sa Antioquia na noo'y hawak na ni Felipe. Sinalakay niya ito, at makaraan ang mahigpit na labanan, naagaw niya ang lunsod.