9 Maraming araw na nanaig sa kanya ang matinding kalungkutan, hanggang sa maramdaman niyang malapit na siyang mamatay.
10 Dahil dito, tinawag niya ang lahat niyang mga kaibigan at ganito ang sinabi, “Matagal na akong hindi makatulog dahil sa pag-aalala.
11 Naitatanong ko sa aking sarili kung bakit ko dinaranas ang ganitong kahirapan. Alam naman ninyong hindi ako mahigpit sa aking pamamahala.
12 Ngunit naalala ko ang aking masamang ginawa sa Jerusalem. Inalis kong lahat ang mga kagamitang pilak at ginto sa Templo, at ipinapatay ko ang mga mamamayan ng Judea ng walang sapat na dahilan.
13 Alam kong ito ang dahilan ng aking mga paghihirap. Ngayon, ako'y mamamatay sa ibang lupain.”
14 Tinawag niya si Felipe, isa sa kanyang matalik na kaibigan, at ipinagkatiwala rito ang pangangasiwa sa buong kaharian.
15 Ibinigay niya rito ang korona, mga kasuotan at ang singsing ng kapangyarihan, ipinagkatiwala sa kanya ang pangangalaga at pagtuturo sa anak niyang si Antioco hanggang sa ito'y maging ganap na hari.