1 Noong taóng 151, naglayag si Demetrio na anak ni Seleuco mula sa Roma kasama ng ilang piling tauhan. Dumaong sila sa isang lunsod sa baybay-dagat at itinalaga ang sarili bilang hari.
2 Nang papunta na siya sa palasyo ng kanyang mga ninuno, dinakip ng mga kawal sina Antioco at Lisias para iharap sa kanya.
3 Ngunit nang ipagbigay-alam ito kay Demetrio, sinabi niya, “Ayokong makita ang mga taong iyan.”
4 Kaya't pinatay ang dalawa at naupo sa trono si Demetrio.