10 Umalis sila sa Antioquia kasama ang isang malaking hukbo. Pagdating sa Judea, nagsugo agad si Baquides ng mga kinatawan kay Judas at mga kapatid nito upang kunwa'y makikipagkaibigan.
11 Ang layuning ito'y hindi nila pinaniwalaan nang makitang malaki ang dala nilang hukbo.
12 Isang pangkat ng mga dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kina Baquides at Alcimo upang humingi ng katarungan.
13 Ang mga deboto at makabayang lalaking ito ang una sa mga Judiong nakipag-ugnay sa kanila,
14 sapagkat ganito ang usapan nila: “Isang pari mula sa lipi ni Aaron ang dumating na kasama ng hukbo; hindi nila tayo pipinsalain.”
15 Mapayapang nakipag-usap si Alcimo sa kanila, at ganito ang pangako: “Kayo at ang inyong mga kaibiga'y hindi namin gagambalain.”
16 Dahil sa pangakong ito, nagtiwala sila. Ngunit walang anu-ano'y hinuli ang animnapu sa kanila at pinaslang noon din. Ganito ang sinasabi ng kasulatan: