18 Dahil dito, takot at pangamba ang nadama ng mga tao. Sabi nila, “Hindi dapat pagtiwalaan ang mga taong ito. Mga sinungaling sila at walang katarungan. Sila na rin ang sumira sa kanilang pangako.”
19 Matapos gawin ang pamamaslang, si Baquides ay umalis sa Jerusalem at humimpil sa Beth-Zait. Mula roo'y iniutos niyang dakpin ang lahat ng mga takas na Judiong sumama sa kanya. Ang mga ito'y ipinapatay at ipinatapon sa isang malaking hukay.
20 Ipinagkatiwala niya kay Alcimo ang pamamahala sa mga lalawigan at nag-iwan siya rito ng isang bahagi ng hukbo bago nagbalik sa hari.
21 Ipinaglabang mabuti ni Alcimo ang kanyang hangaring manatiling Pinakapunong Pari.
22 Lahat ng mahilig sa gulo ay lumapit sa kanya. Sila ang nanungkulan sa Judea, ginulo ng mga ito ang buong Israel.
23 Hindi nalingid sa kaalaman ni Judas ang kasamaang ito na higit pa sa ginawa ng mga Hentil.
24 Nilibot niya ang buong Judea at pinaghigantihan ang lahat ng pumanig kay Alcimo, kaya ang mga ito'y hindi nakatakas.