2 Nang papunta na siya sa palasyo ng kanyang mga ninuno, dinakip ng mga kawal sina Antioco at Lisias para iharap sa kanya.
3 Ngunit nang ipagbigay-alam ito kay Demetrio, sinabi niya, “Ayokong makita ang mga taong iyan.”
4 Kaya't pinatay ang dalawa at naupo sa trono si Demetrio.
5 Ang pamamahala niya'y sinamantala ng masasamang loob. Sa pangunguna ni Alcimo na gustong maging Pinakapunong Pari,
6 sila'y nagpunta sa hari at sinabi ang ganitong paratang laban sa ibang Judio: “Mahal na hari, pinatay po ni Judas at ng kanyang mga kapatid ang lahat ng pumapanig sa inyo. Pati kami ay pinalayas sa aming bansa.
7 Para maniwala kayo, magpadala kayo ngayon ng inyong pinagkakatiwalaang tao at alamin ang lahat ng ginawang ito ni Judas sa amin at sa inyong lupain. Kailangang parusahan ninyo siya at lahat ng kanyang mga tauhan.”
8 Bilang tugon, pumili agad ang hari ng mapagkakatiwalaan niyang tao. Ang napili ay si Baquides, isa sa mga kaibigan ng hari. Siya ay gobernador sa ibayo ng Eufrates, kinikilala sa kaharian at napakatapat sa hari.