25 Sa unti-unting paglakas ng pangkat ni Judas, nangamba si Alcimo na hindi na niya ito kayang harapin. Kaya, nagsumbong siya sa hari at pinaratangan ng pagmamalabis sina Judas.
26 Nang marinig ng hari ang ginagawa ni Judas, isinugo niya si Nicanor, isa sa bantog niyang pinuno ng hukbo at mahigpit na kaaway ng mga Israelita, upang lipulin ang mga ito.
27 Dumating si Nicanor sa Jerusalem kasama ang isang malaking hukbo. Nagkunwari siyang makikipagkaibigan kay Judas. Ang sabi niya,
28 “Huwag na tayong maglaban. Magsasama ako ng ilan lamang tauhan at mag-usap tayo nang mapayapa.”
29 At pumunta nga siya kay Judas at sila'y nagbatian nang mapayapa. Ngunit nakahanda ang mga tauhan niya upang hulihin si Judas.
30 Naramdaman ni Judas na nais lang siyang linlangin ni Nicanor, kaya sa takot niya'y hindi na siya nakiharap uli rito.
31 Nalaman ni Nicanor na hindi kumagat si Judas sa kanyang pain, kaya lumabas siya para salakayin ito sa Cafar-Salama.