32 Ngunit nagapi si Nicanor. Limandaang kawal niya ang nasawi at ang iba'y nagtago sa Lunsod ni David.
33 Samantala, umakyat naman sa Bundok ng Zion si Nicanor. Pinatuloy siya ng ilang pari mula sa Templo, kasama ang ilang matatanda, upang ipakita sa kanya ang handog para sa hari.
34 Ngunit hindi nasiyahan si Nicanor. Kinutya, hinamak, at dinuraan niya ang mga ito.
35 Sa galit niya'y sinabi niya, “Kapag hindi sumuko sa akin si Judas at ang kanyang hukbo, babalik ako matapos magtagumpay at susunugin ko ang Templong ito.” At umalis siyang galit na galit.
36 Nanangis na pumasok sa Templo ang mga pari at sa harap ng dambana ay nanalangin,
37 “Panginoon, pinili mo ang Templong ito para magtaglay ng iyong pangalan, upang dito ka katagpuin at dalanginan ng mga hinirang mo.
38 Ipaghiganti mo kami sa taong ito at sa kanyang hukbo. Bayaan mo silang malipol sa labanan. Huwag mong pahintulutan na lagi ka nilang lapastanganin.”