26 Sa sinumang kaaway niya ay hindi magbibigay ang mga Judio ng trigo, sandata, salapi, o sasakyang-dagat, alinsunod sa napagkasunduan sa Roma; gagampanan nila ang kanilang tungkulin na walang inaasahang kabayaran.
27 “Gayon din, kung ang mga Judio naman ang unang digmain, buong puso silang sasaklolohan ng mga taga-Roma sa abot ng kanilang makakaya ayon sa hinihingi ng pangyayari.
28 Sa mga sumalakay, hindi sila magbibigay ng trigo, sandata, salapi, o sasakyang-pandagat man, alinsunod sa napagkasunduan sa Roma. Tutuparin ng mga Romano ang kanilang tungkulin nang walang panlilinlang.
29 “Ganito ang kasunduan ng mga taga-Roma at ng mga Judio.
30 Sa kasunduang ito, anumang mapagkasunduang idagdag o bawasin ng alinmang panig ay maaaring pagpasyahan at bigyan ng bisa.
31 “Tungkol naman sa kapinsalaang ginagawa ni Haring Demetrio sa mga Judio, may liham na kaming ipinadala sa kanya upang itanong ito, ‘Bakit mo pinahihirapan ang mga kaibigan naming Judio?
32 Kapag nagsumbong pa silang muli sa amin, ipaglalaban na namin ang kanilang karapatan at didigmain namin kayo, sa lupa man o sa dagat.’”