51 Sa bawat lunsod na ito ay naglagay siya ng mga kawal na handang lumaban sa Israel.
52 Pinatibay rin niya ang muog at toreng bantayan ng lunsod ng Beth-sur, Gezer at Jerusalem. Nagtalaga rin siya ng mga kawal doon at nagtayo ng mga kamalig ng pagkain.
53 Ang mga anak ng mga pangunahing mamamayan ng bansa ay binihag niya at ikinulong sa kuta ng Jerusalem.
54 Nang ikalawang buwan ng taóng 153, iniutos ni Alcimo na wasakin ang pader ng bulwagan ng Templo na ipinagawa ng mga propeta. Ngunit bago pa lang sinisimulan ang pagsira
55 ay dinapuan siya ng karamdaman at natigil ang pagwawasak niyon. Hindi niya maibuka ang kanyang bibig at siya'y naging lumpo. Bunga nito, hindi siya makapag-utos ng anuman sa kanyang sambahayan.
56 Hindi nagtagal, namatay siya sa tindi ng hirap.
57 Nang mamatay na si Alcimo, bumalik na sa hari si Baquides. Mula noon, dalawang taóng natahimik ang Judea.