3 “Umalis ka rito at magtago ka sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan.
4 Maiinom mo ang tubig sa batis at may inutusan akong mga uwak na maghahatid sa iyo ng pagkain.”
5 Sinunod nga ni Elias ang sinabi ni Yahweh. Lumakad siya at nanirahan sa may batis ng Carit, sa silangan ng Jordan.
6 Umaga't hapon, may mga uwak na nagdadala sa kanya ng pagkain, at sa batis naman siya umiinom.
7 Ngunit dumating ang panahon na natuyo na rin ang batis.
8 Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh,
9 “Umalis ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang biyuda na magpapakain sa iyo roon.”