11 Idalangin din ninyo si Haring Nebucadnezar at si Belsazar na kanyang anak, upang tumagal ang buhay nila tulad ng kalangitan.
12 Sa gayon, palalakasin tayo at papatnubayan ng Panginoon. Mamumuhay tayo sa ilalim ng pag-iingat ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia, at ng anak niyang si Belsazar. Maglilingkod tayo sa kanila sa mahabang panahon at sa gayo'y malulugod sila sa atin.
13 Idalangin din ninyo kami sa Panginoon naming Diyos sapagkat kami'y nagkasala laban sa kanya. Hanggang ngayo'y galit pa siya sa amin.
14 Basahin ninyo ang aklat na ito at ipahayag ninyo ang inyong kasalanan doon sa Templo, sa unang araw ng Pista ng mga Tolda at sa inyong mga pagdiriwang ng iba pang mga takdang kapistahan.”
15 Ganito ang sabihin ninyo: “Matuwid ang Panginoon naming Diyos. Ngunit lubog pa rin kami sa kahihiyan hanggang ngayon—kaming mga taga-Juda, mga mamamayan ng Jerusalem,
16 pati ang aming mga hari, mga pinuno, mga pari, mga propeta at mga ninuno—
17 sapagkat nagkasala kami sa Panginoon.